Home NATIONWIDE Streptococcal toxic shock syndrome ‘di pa health concern sa Pinas

Streptococcal toxic shock syndrome ‘di pa health concern sa Pinas

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na hindi nakikitaan ang streptococcal toxic shock syndrome (STSS) bilang public health concern sa ngayon.

Ito ang tugon ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo matapos kumpirmahin ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na nakapagtala na ng kaso ng naturang sakit sa bansa—na isang nakamamatay na bacterial infection na kasalukuyang sumisirit sa Japan.

“The DOH does not sees STSS as a public helath concern at this point int time,” ani Domingo sa Viber message.

“We invite more attention to risk communication efforts against the WILD diseases—Water-borne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis, and Dengue”

“By burden of disease and by effect on quality of life they are more worthy of public attention”, dagdag pa ni Domingo.

Sinabi ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) na ang STSS ay bihira ngunit seryosong bacterial infection. Mayroon itong fatality rate na 30%, nangangahulugan na maari itong pumatay ng tatlo sa 10 tao na nahawaan nito.

Ang simtomas ng naturang sakit ay lagnat, panginginig, pananakit ng kalamnan, pagduduwal at pagsusuka.

Pagkatapos magkaroon ng simtomas, ang isang indibidwal na may impeksyon ay maaring makaranas ng mababaang presyon ng dugo, mas mabilis kaysa sa normal an tibok ng puso, mabilis na paghinga at organ failure. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)