Home SPORTS Strong Group babawi sa Dubai – Tiu

Strong Group babawi sa Dubai – Tiu

MATAPOS ang pagbuhos ng suporta mula sa mga Pinoy basketball fans sa buong mundo, lalo na sa Dubai kung saan pumangalawa sila sa isang major international event, nangako ang Strong Group Athletics Philippines na babawi sila.

Sinabi ni Strong Group coach Charles Tiu na ang suporta at panalanging ibinigay ng mga tagahanga at ang respetong nakuha nila mula sa international community ang magtutulak sa grupo na lumaban sa iba’t ibang tournament sa ibang bansa, hindi lang sa Dubai lamang.

“Anong susunod? Makikita natin. We’d love to come back here (in Dubai), grabe yung mga Filipino fans dito, they were so happy, they were all so thankful dahil dumating kami. Grabe ang pagsuporta nila, sobrang nakakataba ng puso. Kahit natalo kami, sobrang positive,” ani Tiu sa naging pagkatalo ng Strong Group’s sa Dubai International Basketball Championships champion Al-Riyadi sa final.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tagahanga na karamihan ay nagpuyat para manood ng mga laro kahit na sa Arabic annotated broadcast, sinabi ni Tiu na hindi na sila makapaghintay para sa susunod na Dubai tournament.

Ibinunyag ni Tiu na pagkatapos ng ilang araw na pahinga, siya at ang may-ari ng koponan ng Strong Group at bilyonaryong negosyante na si Frank Lao ay uupo upang pag-aralan ang iba pang mga internasyonal na opsyon.

“Kung may iba pang tournament na iimbitahan kami, we’d love to form a team at makakalaban namin kung sino ang mag-iimbita sa amin. You know naman we’re an up-and-coming team din, bago kami, hopefully may magawa kaming bago for Philippine basketball,” ani ng kapatid ng dating Gilas pioneer na si Chris Tiu.

Ibinahagi din ng concurrent College of Saint Benilde Blazers head coach na labis na ikinatuwa ng mga may-ari ng Strong Group kung paano nag-iwan ng hindi maalis na marka ang koponan sa puso ng mga Pinoy basketball fans.

“Grabe rin ‘yung pagmamahal sa team ng mga kababayan natin sa Pilipinas, we’re thankful to those who found ways to watch, mga online, kahit hindi nila naiintindihan yung livestream, they stayed til the end. Nakaka-encourage lang yung messages from fans,” wika nito.

Ang mga laro sa Dubai ay maaaring gumamit ng isang mas malaking lugar, sabi ni Tiu.

“Sobrang sold-out sana mas malaki ang venue nila. Mas marami pa sana ang supporters ng team dito, ang daming hindi nakapanood. Mga manlalaro dito feeling nila rock star sila.”

Nang tanungin kung ang PBA guest stint ay bahagi ng plano, sinabi ni Tiu na alam ng koponan ang matinding sentimyento ng mga tagahanga sa naturang posibilidad.

“Makikita natin. But if they will open their door to us, we can work it out as long as kaya ng sked ng players namin, kami as coaches who are also handling collegiate teams, game naman kami dun,” dagdag nito.JC

Previous articlePISTON, MANIBELA nagkilos-protesta sa labas ng Kamara
Next articlePaghiwalay ng M’danao gamit signature campaign pinalutang ni Digong