Home HOME BANNER STORY Subpoena ng Senado natanggap na ng kampo ni Quiboloy

Subpoena ng Senado natanggap na ng kampo ni Quiboloy

MANILA, Philippines – Natanggap na ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang subpoena ng Senado na nag-oobliga sa kanya na dumalo sa committee hearing sa Marso 5, 2024.

“By authority of Section 17 of the Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the Senate, Republic of the Philippines, you are hereby commanded and required to appear before the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, then and there to testify under oath on what you know relative to the subject matter under the inquiry by the said Committee, on the date, time and place hereunder indicated,” saad sa Subpoena Ad Testificandum na ipinadala para kay Quiboloy.

Nakatakda ang Senate hearing alas-10 ng umaga sa nasabing petsa.

Ang subpoena para kay Quiboloy ay pinadala sa tirahan nito sa Davao City, ay natanggap 1:30 ng hapon nitong Huwebes, Pebrero 22.

Sa kabila nito, wala pang pahayag mula sa kampo ni Quiboloy kung dadalo siya sa pagdinig.

Wala pa ring pahayag si Senador Risa Hontiveros, chairperson ng komite, patungkol sa usaping ito.

Bago ang pagtanggap ng subpoena, sinabi na ni Hontiveros ang kahalagahan ng personal na pagdalo ni Quiboloy sa pagdinig dahil kung hindi ay aarestuhin ito. RNT/JGC

Previous article3 tiklo sa tobats sa Taguig
Next articleComelec naniguro sa pag-apruba sa Miru Systems – NAMFREL