Home HOME BANNER STORY Subpoena order vs Quiboloy tinintahan ni Zubiri

Subpoena order vs Quiboloy tinintahan ni Zubiri

MANILA, Philippines- SInabi ni Senator Risa Hontiveros na nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena laban sa umano’y sex offender na si Apollo Quiboloy.

“Nagpapasalamat ako sa Senate President for signing the subpoena against Apollo Quiboloy. My office has made it our policy to put the voices of women and children first. To put the voices of the victim survivors at the center,” pahayag ni Senator Risa Hontiveros nitong Lunes sa imbestigasyon ng Senate panel sa umano’y mga krimen ni Quiboloy.

“I am glad that the current institution, under the Senate leadership has made it its policy too,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Zubiri na pipirmahan niya ang subpoena para sa religious leader pagbalik niya mula sa Visayas.

“I have been told by my staff that the issuance of the subpoena for Pastor Apollo Quiboloy has been prepared and is now ready for my signature,” ani Zubiri.

Kinumpirma ni Hontiveros na naglabas na ng subpoena ang Senado laban kay Quiboloy.

“Yes, the subpoena against Apollo Quiboloy is out. Gaano man kalakas ang ingay ng politika, mas malakas dapat ang panawagan para sa katarungan,” wika ni Hontiveros sa kanyang opening statement sa hearing ng panel.

“Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, hindi po ako papayag na maitsapwera ang tapang at lakas ng loob na inipon ng mga victim-survivors para lang unahin ang mga bangayan sa pulitika,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleCall center agent, estudyante patay sa nasunog na boarding house
Next articleJanine at Paulo, nag-break ulit?