MANILA, Philippines – KASALUKUYAN na ngayong nag-uusap ang Pilipinas at Brazil kaugnay sa posibleng development ng industriya ng asukal at ethanol.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na kabilang ito sa ‘areas of cooperation’ sa pagitan ng mga opisyal nito at delegado mula sa Brazilian Cooperation Agency (ABC) at Embassy of Brazil sa Maynila sa kanilang naging pagbisita sa DA, araw ng Martes.
Sinabi ni Engr. Laverne Olalia, Research Development and Extension Department Manager of the DA-Sugar Regulatory Administration (SRA), maaari ring matuto ang Pilipinas mula sa ‘best practices’ ng Brazil ukol sa “soil development and management, mealing practices, at farm technologies” para mapahusay ang local production.
Bilang isa sa nangungunang bansa sa sugarcane (tubo) at ethanol production, nag-alok ang Brazil ng academic programs na may kinalaman sa sugarcane industry at incorporating ethanol sa national energy grid nito.
Aniya, base sa naging obserbasyon ng SRA sa naging pagbisita nito sa São Paulo nito lamang Enero, ang ‘best practices and innovations’ ng Brazil ay maaaring gawin sa Philippine setting.
Samantala, inirekumenda naman ng Brazilian delegates ang pagdadala ng ‘team of experts’ sa bansa “to facilitate knowledge-sharing initiatives geared towards the expansion of sugarcane plantations, and the promotion of farm efficiency.”
Inirekumenda rin ng mga ito ang pagpapahusay sa “meal conversion, improving production chains, at lowering production costs.”
Samantala, sinabi naman ni DA Assistant Secretary for Policy Research and Development Noel Padre at ABC Technical Cooperation with Africa, Asia, and Oceania Manager Antonio Junqueira na titiyakin ng mga ito na patatatagin at palalakasin ang partnership para sa benepisyo ng sugarcane at ethanol industry players.
Present din sa nasabing pagbisita sina DA Assistant Secretary for Regulations Paz Benavidez II at Dr. Octavio Valsechi, isang Agroindustrial Technology professor sa Federal University of São Carlos. Kris Jose