Home NATIONWIDE Sumbungan ng mga journo vs human rights violations, ilulunsad ng CHR

Sumbungan ng mga journo vs human rights violations, ilulunsad ng CHR

MANILA, Philippines – Pormal na ilulunsad ng Commission on Human Rights ang Alisto! Alert Mechanism, kung saan maaaring makapagsumbong ang mga mamamahayag na makararanas ng paglabag sa kanilang human rights.

Sa pahayag, sinabi ng CHR na magsisilbi ang alert mechanism na ito “to bring forth a platform for the press to directly contact the CHR regarding incidents where media workers are involved.”

Ayon sa CHR, bahagi ito ng layunin ng komisyon na lumahok sa full implementation ng Philippine Plan of Action for the Safety of Journalists (PPASJ), kasunod ng pagtukoy nito ng mga karagdagang aksyon upang maprotektahan ang media workers.

Idinagdag pa ng CHR na direktang tutugon ang plataporma sa mga pag-atake at banta sa media workers.

“The role of media in our society cannot be overstated. The media—you—serve as a beacon of truth, a guardian of democracy, and a powerful catalyst for change. In its noblest form, the media acts as a check and balance on those in power, holding them accountable for their actions. It is, in many ways, the lifeblood of democracy,” ayon kay CHR Chair Richard Palpal-latoc kasabay ng National Media Forum, kung saan inisyal na ipinakilala ang Alisto! Alert Mechanism.

“We echo the sentiments of Filipino journalists that attacks against the media have long been an existing reality that is left unaddressed in the Philippines,” ayon sa CHR.

“In a time when it is now apparent that the defenders of truth also need defending, the conversation on fostering a safe working environment for journalists should also be making headlines on our screens as we scroll through the news and commentaries.” RNT/JGC

Previous articleBFAR namahagi ng pagkain, 21K litro ng gasolina sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc
Next articleState universities makikinabang sa 4 batas na pinirmahan ni PBBM