Home LOCAL BIZ Summer Blast ’23, dinumog ng 120K na tao; Gloc 9, aminadong nagulat!

Summer Blast ’23, dinumog ng 120K na tao; Gloc 9, aminadong nagulat!

1017
0

Bulacan, Philippines – Kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas may Summer Blast!

Tama ang sabi ng organizer dahil talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023 lalo at mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong May 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Present sa event ang mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium sa halos di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert dahil mismong ang mga artist ay nagpahayag rin ng kanilang naging experience.

“Masyadong masaya! Maraming salamat sa pagmamahal. Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng, “It really was a blast!”

Nagtanghal rin ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang ‘Uhaw.’

Ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.

“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Advertisement

Marami rin ang nabilib at napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito umano ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric, Epy, Boy 2, at Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos. Present rin ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine Angeles.

May mga atraksyon din na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. JP Ignacio

Previous articlePCG, BFAR teams sinalubong matapos maglagay ng boya sa WPS
Next articleKaragdagang disability pension para sa mga beterano, lusot na sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here