SUMUNOD KA, GANUN LANG ‘YUN

SUMUNOD KA, GANUN LANG ‘YUN

March 25, 2020 @ 1:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Matapos tumaas ang bilang ng ating mga kababayan na nadale ng COVID-19, minarapat na ng administrasyong Duterte na isailalim ang buong Luzon sa “enhanced lockdown” upang maiwasan ang paghahalubilo ng mga tao at mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Dahil sa pagtaya ng ating Department of Health (DoH), sa ngayon 40 porsyento ng mga Filipinong nagpositibo sa virus ay kinakitaan nang hindi sila nalantad o nahawa dahil sila ay nakapagbiyahe sa ibang bansa o kaya naman ay nakasalamuha ng taong may COVID-19.

So paanong nangyari at bakit sila nagkaroon ng virus? Mula noong March 7, idineklara ng DoH na mayroon na tayong kaso ng “local transmission”, meaning dito na nagkahawaan sa loob mismo ng bansa ang mga biktima ng virus. Kaya nga nagpatupad na ang ating pamahalaan ng halos isang buwan na enhanced lockdown o quarantine.

Tanong niyo na naman ninyo siguro ay, bakit ka kamo?

Ganito ‘yun, kung mapapansin niyo ang ibang bansa ang nauna sa ganu’ng diskarte at nagtagumpay na maibaba ang bilang ng kanilang mga mamamayan na nakakuha ng virus. Dahil pinatupad nila agad ang mga patakaran na naglilimita ng paggalaw ng mga tao.

Ang COVID-19 kasi, ayon na rin sa mga pag-aaral, ay humahanap ng madadapuan para siya ay dumami. Kung lilimitahan natin ang paggalaw ng mga tao hindi rin makagagala ang virus dahil wala siyang madadapuan at kusang mamatay. Hindi natin ito mapagtatagumpayan kung papayagan nating makagala ang ating mga kababayan, kasi nga magpapalipat-lipat lamang ang virus.

Sabi ng mga dalubhasa, ang virus ay maaring mabuhay sa loob ng 14 hanggang 21 araw. Sa panahong ito kailangang gutumin natin ang COVID-19 para sila ang bumigay at hindi tayo. Kung gaya lamang ng community quarantine, maaari lamang natin mapabagal ang takbo ng virus pero kung enhanced quarantine at hihigpitan ang paglabas  at pagsama- sama ng mga tao, mawawala at mamamaty ng kusa ang virus. Ganun lang ‘yun.

Ang kaso sa inilatag na pamamaraan ng administrasyon Duterte, marami pa rin ang pasaway at hindi makapagbigay ng suporta sa pamamagitan ng pagsunod sa patakarang inilatag. Sumunod muna tayo. Ganun lang ‘yun. Sandaling panahon lang naman ‘yan mga kababayan ko.

Bigyan ko kayo ng halimbawa. Ang aking tiyahin na naninirahan sa Nice, sa bansang France, isa sa mga bansang matinding tinamaan ng virus sa Europa, ay nagpadala sa akin ng litrato kung saan aking nakita ay parang “ghost town” ang lugar. Walang katao-tao sa mga kalsada, lahat ay initusan kasing mag-quarantine at lahat ay sumunod dahil sinuspinde na ang mga trabaho sa sandaling panahon ng lockdown o’ quarantine. Dahil ang panganib ng COVID-19 ay pangbuong mundo at kakaiba. Wala itong sinasantong hangganan o’ katayuan ng tao, mapa-mayaman o mahirap, tabla sa lahat ika nga, wala itong pakialam kung sino ang dadapuan.

Ang sangkatauhan ang inaatake ng virus. At sa ating pagkakaisa, sa pamilya, komunidad at pagiging isang bansa at sangkatauhan lamang natin mapagtatagumapayan ang laban sa COVID-19. Ganu’n lang ‘yun.

Share

Leave a Reply

Loading...