SUMUNOD SA BATAS PARA MAKAIWAS-COVID-19 LAHAT

SUMUNOD SA BATAS PARA MAKAIWAS-COVID-19 LAHAT

March 25, 2020 @ 1:40 PM 2 weeks ago

  • 1
  •  
  •  
    1
    Share
Share

MARAMING pinaiiral na patakaran o batas ngayon laban sa Covid-19.

Dapat maging seryoso tayo sa pag-alam at pagsunod sa mga patakaran at batas na ito para maligtas tayo sa kalawit ni kamatayan o kaya’y labis na gutom at paghihirap kung matamaan tayo.

Ang karaniwang gutom at hirap ay ating matitiis at maalpasan pero para tayong dinaganan ng langit at lupa kung tayo o miyembro ng pamilya natin ang mamatay o nagkasakit.

PAANO MALAMAN?

Marami ang paraan para malaman ang mga patakaran at batas laban sa Covid-19.

Una, sumangguni sa mga pamahalaang barangay, munisipyo, lungsod o lalawigan.

Dahil sa mga lockdown at iba pang pinaiiral na anyo ng community quarantine na pinaiiral ng  local government units, maaaring sapat na ang pagpunta kina kapitan, kagawad at Sangguniang Kabataan para magtanong at magpalinaw sa mga malalabong bagay o hindi natin alam.

Ikalawa, gamitin ang mass media.

Maraming bukas na radio at telebisyon na nagbabalita.

Iwasan ang pagbabad sa mga Koreanovela, pelikula at shows at, sa halip, mag-interes sa mga balita at kuro-kuro ng mga reporter, broadcaster at bisita nila na naglalabas ng mga kaukulang kaalaman.

Ikatlo, kung may internet ka naman, mag-brows ka sa mga balita at punom-puno ang balita rito.

Magagamit mo rito ang iyong cellphone, laptop, personal computer at iba pang gadget.

HUWAG BALEWALAIN ANG COVID-19

Sabi ng iba, konti lang naman ang namamatay at naiimpeksyon.

Bakit daw ba kailangang isailalim sa Public Health Emergency, Community Quarantine ang buong Luzon, State of Calamity ang buong Pilipinas at pagbawalang lumabas ang mga tao kundi manatili lamang sa bahay?

‘Pag tinatanong naman sila kung gusto nilang mamatay, ayaw naman nila.

Seryoso ang Covid-19 kaya hindi dapat balewalain.

Lima nang doktor na nanggagamot sa mga may Covid-19 ng patay.

Deepest condolences po sa pamilya ng kamamatay na doktor sa Philippine Heart Center, si Philippine Heart Center past president Dr. Raul Diaz Jara matapos silang makagamot ng isang pasyente na sa una ay mas sakit sa puso ngunit sa huli, may Covid-19 pala.

Nauna rito, namatay rin si Dr. Israel Bactol, ng PHC na nakasama ni Dr. Jara; at sina Dr. Rose Pulido, ng San Juan de Dios Hospital; Fr. Greg Macasaer at isang Dr. Fernandez.

Namatay rin sa Covid si University of the Philippines Asian Center Dean Aileen Baviera.

Kasama sila sa 35 nang patay mula sa 552 nagpositibo sa buong Pilipinas.

Hindi dapat hintayin na maganap sa Pinas ang pagkamatay ng mahigit 6,620 sa Italy; 3,2281 sa China; 2,808 sa Spain;  1,934 a Iran, 1,100 sa France; 706 sa United States;  442 sa United Kingdom; 276 sa The Netherlands; 159 sa Germany, 122 sa Belgium at iba pa.

Ang community quarantine at pananatili sa bahay ang kabilang sa mga pinakaepektibong pangontra sa Covid-19.

Talo ng maagap ang masipag, ‘ika ng ng matatanda natin.

NAGKAKAUBUSAN NG DOKTOR

Nagaganap na ang isang nakatatakot na anyo ng pananalakay ng Covid-19.

Mabilis maubos ang mga nagdyu-duty na doktor, nars at iba pang nating medical professional.

Nag-quarantine ang marami sa nasa 600 doktor, nars, radiologist at iba pa sa Philippine Heart Center; 530 sa University of Sto. Tomas;  150 sa Medical City; at iba pa.

Kaya naman balak nang tawagin ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga graduate sa pagkadoktor, nars at iba na hindi pa pasado sa pagsusulit upang maglingkod bilang katulong ng Department of Health laban sa Covid-19.

Lumalabas ding kulang na ang mga personal protective equipment, mask, gwantes at iba pa habang pila-pila na ang mga nagpapatsekap sa mga ospital at pununa na.

PANAHON NG PAGSUNOD

Malinaw na narito at aali-aligid lang ang kamatayan sa Covid-19, lalo na’t napaparalisa na ang maraming ospital at doktor na dapat manggamot at mag-asikaso sa atin kun tayo’y tinamaan.

Kapag sinabing mag-stay at home tayo, sumunod sa curfew, mag-distansya sa isa’t isa, huwag gumawa ng pag-uumpukan ng mga tao gaya ng misa, kasal at maging ng pakikilamay at iba pa, sumunod po tayo.

Kapag sinabing may lockdown at checkpoint ng mga sasakyan at limitado lang ang sakay ng mga motorsiklo at iba pa, sumunod po tayo.

Kapag sinabing magsuot tayo ng face mask, magtakip ng bunganga kung bumahin at umubo, magpatingin sa doktor kung may sintomas ng Covid-19 sa atin gaya ng lagnat, ubo, pagtatae at iba pa, sumunod po tayo.

Kung may malaman tayong posibleng may dala ng sakit, may galing sa ibang bansa at iba pa, tumulong tayong mag-report sa mga awtoridad.

Ang mga tumatakas sa mga quarantine area, dapat ding i-report sa mga kinauukulan upang maibalik sila sa mga quarantine area.

Kapag sinabing ang mga mahihirap lang ang mabibigyan ng rasyon ng batayang pangangailangan, huwag nang maghangad ang mga may kaya sa buhay.

 

Share

Leave a Reply

Loading...