Home NATIONWIDE Sundalong naputulan ng daliri dahil sa agresibong aksyon ng Tsina sa WPS,...

Sundalong naputulan ng daliri dahil sa agresibong aksyon ng Tsina sa WPS, pinarangalan

MANILA, Philippines- Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Seaman 1C Jeffrey Facundo ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan, ang sundalo ng Philippine Navy (PN) na naputulan ng daliri matapos ang agresibong aksyon ng Tsina sa isinagawang rotation and resupply (RoRe)mission sa Ayungin Shoal kamakalawa.

Ang awarding ceremony ay idinaos sa Puerto Princesa City, Palawan, sa isinagawang Talk to Troops ng Pangulo sa headquarters sa Western Command sa Camp General Artemio Ricarte, Linggo ng umaga.

Sa kabilang dako, ginawaran naman ni Pangulong Marcos ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi ang 79 iba pang military personnel na nagkaroon ng partisipasyon sa misyon.

“As we award these medals, we remember that on June 17th, we made a conscious and deliberate choice to remain in the path of peace,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Tinuran ng Pangulo na ang mga awardees ay patuloy na susuportahan ng gobyerno.

“The government will continue to provide you all your needs and look after your welfare and your families’ welfare,” wika ng Pangulo.

Maliban kay Facundo, anim na iba pang sundalo ang nasaktan at nasamsaman ng mga armas sa June 17 incident.

Nakaramdam naman ng ginhawa ang Pangulo na makita ang lahat ng sundalo na kasama sa June 17 RORE mission na “back in home ground, safe and sound.”

“I reassure you that you have the entire nation behind you, praying for your safety and praying for your success. The Filipino people is grateful for your dedicated service and to the families that support you,” giit niya.

“Kayo ang halimbawa ng isang Bagong Pilipinas. Kayo ay isa sa aming inspirasyon para lalo pang pagbutihin ang aming sinumpaang tungkulin,” ayon pa sa Pangulo.

“To all of you, once again, well done! You have done good work, you have made the country proud, you have made the military proud. Keep up the good work!” Kris Jose