MANILA, Philippines – Isang candidate soldier trainee ang nag-collapse habang sumasailalim sa isang swimming lesson sa Ternate, Cavite
Unang isinugod sa Medical Dispensary saka inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktima na si Candidate Soldier Joel V. Jimena pero ideneklara na itong patay.
Ayon sa report, bandang alas-7:10 nitong Miyerkules ng umaga nang bigla umano itong bumagsak habang nagsasagawa ng Swimming Lesson with Practical Application na kinabibilangan ni Jimena sa Katungkulan Beach Marine Barracks Gregorio Lim, sa Brgy Sapang 1, Ternate, Cavite. Margie Bautista