Home METRO Sunod na Traslacion inihirit gawing nat’l feast

Sunod na Traslacion inihirit gawing nat’l feast

MANILA, Philippines- Umaasa ang rector ng Quiapo Church na ang susunod na Pista ng Black Nazarene ay ipagdiriwang ito sa buong bansa habang hinihintay ang pag-apruba ng Vatican.

“We pray that the next time we are gathered here, the Jan. 9 will be declared by the Church as a national feast in honor of the Black Nazarene,” ayon kay Quiapo Church rector Fr. Jun Sescon sa Quirino Grandstand sa Manila.

Binigyan-diin ng pari na hinihintay nila ang pag-apruba ng Vatican na gawing nationwide religious event ang Enero 9.

“We want it to be a national feast for the Church, so it is up to the bishops and the Pope to discuss this,” dagdag ni Fr. Sescon

Maalala na inaprubahan noong Hulyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mungkahi tungkol sa usapin sa ginanap na 126th Plenary Assembly.

Ang Traslacion ay taunang idinaraos kung saan milyong deboto ang nakikilahok sa aktibidad.

Ito ay ipinagdiriwang din sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang parangal sa Itim na Nazareno.

Inaprubahan din ng CBCP ang petisyon na ideklarang “national shrine” ang Quiapo Church noong Hulyo 2023.

Pormal naman itong idedeklara na “national shrine” sa Enero 29. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleManila LGU ‘di humihingi sa Sri Lanka ng kapalit ni Mali – mayor
Next articleItim na Nazareno nasa San Sebastian Church na para sa ‘Dungaw’