Home NATIONWIDE Sunod-sunod na panalo sa lotto ‘rare’ pero ‘di imposible – eksperto

Sunod-sunod na panalo sa lotto ‘rare’ pero ‘di imposible – eksperto

MANILA, Philippines – Ang posibilidad na makakuha ng jackpot prize nang sunud-sunod sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto games ay “hindi imposible” ngunit bihira at may “napakakaunting” pagkakataon na mangyari, ayon kay Guido David, isang mathematician at OCTA researcher.

“Let’s say few hundred thousand bet para sa jackpot sa bawat draw. Sa bawat draw, two percent or less ang probability of winning. Pero sa consecutive draws, halimbawa, two draws, two percent times two percent, so it’s 0.04 percent lang,” ani David, sa panayam sa radyo sa pagpapaliwanag ng posibilidad.

“Patuloy itong bumababa; halimbawa, sa 10 magkakasunod na draw, napakaliit ng probability nito — hindi imposible pero bihirang mangyari,” aniya pa.

Bagama’t inamin ni David na “hindi imposible,” iminungkahi niya na maaari pa rin itong magtaas ng kilay. Pinayuhan niya na i-maximize ang pag-audit sa halip na umasa lamang sa mga istatistika upang siyasatin.

“Hinding-hindi mapapatunayan ng statistics na may kakaiba sa proseso, kaya kailangan nilang mag-audit para tingnan ang mga proseso kung magkakaroon ng patas na draw,” ani David.

Bukod dito, sinabi ni David na ang posibilidad na manalo ng jackpot prize ay isa sa 5 milyon para sa 6/42 draw, isa sa 14 milyon para sa 6/49 draw, at isa sa 29 milyon para sa 6/55 draw.

Si David ay kaanib ng University of the Philippines (UP) Institute of Mathematics at OCTA Research, isang grupong kilala sa gawaing nauugnay sa Covid-19 pandemic sa Pilipinas. Santi Celario

Previous articleSpeaker kay Digong: Alegasyon kay PBBM patunayan
Next articleStrong Group nasilat ng Lebanon sa finals ng Dubai tilt