Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ng may 42 kongresista ang sanhi ng sunog na tumupok sa bahagi ng gusali ng Central Post Office.
Pinangunahan ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Chairman ng House Committee on Creative Industry & Performing Arts ang may 42 kongresista sa sanhi ng nasabing sunog na sumira sa bahagi ng neoclassical Manila Central Post Office building na maituturing na “historic structure, architectural elements and invaluable cultural artifacts.”
Iginiit ng 42 mambabatas na kabilang sa Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng 19th Congress na kailangang masiyasat ang pinagmulan ng sunog “considering its significance as a heritage site, with the end view of addressing the government’s intervention and mandates, as well as maximizing the government’s effort in protecting, preserving, and safeguarding our heritage sites.”
Giit ni de Venecia na nakaaalarma ang ilang report na kulang sa pamatay-sunog ang gusali gayong ito ay maituturing na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
“There have been news reports that the historic MCPO building did not have any kind of fire suppression system or even water sprinklers.”
Advertisement