MANILA, Philippines – Umabot sa 18 ang naitalang sugatan sa mahigit 31 oras na sunog sa Central Post Office sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.
Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection, alas 6:33 na ng umaga ngayong Martes tuluyang naapula o idineklarang fire out ang sunog sa gusali ng Post Office.
Nagsimula ang sunog alas 11:41 noong Linggo ng gabi sa basement ng gusali na mabilis kumalat hanggang sa ikaapat na palapag dahil na rin sa mga nakaimbak na papel at mg parcels.
Advertisement