Home METRO Sunog sa post office fireout na!

Sunog sa post office fireout na!

MANILA, Philippines – Umabot sa 18 ang naitalang sugatan sa mahigit 31 oras na sunog sa Central Post Office sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.

Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection, alas 6:33 na ng umaga ngayong Martes tuluyang naapula o idineklarang fire out ang sunog sa gusali ng Post Office.

Nagsimula ang sunog alas 11:41 noong Linggo ng gabi sa basement ng gusali na mabilis kumalat hanggang sa ikaapat na palapag dahil na rin sa mga nakaimbak na papel at mg parcels.

Nadamay din ang mga national ID’s na dapat sanang ipapamahagi na sa Maynila.

Sa mga sugatan, sinabi ng BFP na kapwa mga bumbero at volunteer na nagtamo ng mga paso, sprain ,laceration at pagkahilo dahil sa kapal ng usok na nalanghap habang nag-aapula ng malaking sunog.

Sa Ngayon ay hindi pa batid ang sanhi ng sunog na umabot sa 300 milyong pisong halaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHigit P9M inambag ng PCSO sa DDB
Next articleCOVID sa NCR nag-peak na – OCTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here