Home METRO Sunog sa Tondo umabot sa ikalimang alarma!

Sunog sa Tondo umabot sa ikalimang alarma!

(c) Mary Joy Gonato Docusin

MANILA, Philippines – Umabot sa ikalimang alarma ang sunog sa residential area sa Tondo, Maynila Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 12:30 sa mga kabahayan sa Aroma St., Tondo.

Makalipas ng isang oras, idineklara ang ikalimang alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Karamihan kasi sa mga bahay na nilamon ng apoy ay mga barung-barong.

Samantala, may iniulat ding fire truck na nabasag ang windshield matapos basagin umano ng ilang mga residente na di umano’y naging agresibo dahil sa kagustohang unahin ng mga fire volunteers ang kanilang mga bahay na madamay ng sunog.

May mga sinasabi ding mga insidente ng pananaksak at pagpapaputok ng baril ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng BFP.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleVP Sara tikom-bibig sa Duterte-Duterte tandem sa 2028
Next articleMotoristang nanaksak ng gulong ng van pinaghahanap ng LTO