Home IN PHOTOS Sunog sumiklab sa Barangay Apolonio Samson, QC!

Sunog sumiklab sa Barangay Apolonio Samson, QC!

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 5.

Apektado ng sunog ang Kaingin Bukid na nagsimula bandang 7:33 ng umaga.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang ikatlong alarma bandang 8:30 ng umaga.

Pansamantalang inilikas sa kalapit na compound ang mga apektadong residente.

Idineklarang fire under control ang sunog bandang 10:01 ng umaga. RNT/JGC

Previous articleTabako farmers sa Senado: Anti-agri smuggling bill ipasa na
Next articleMabigat na daloy ng trapiko asahan sa NLEX sa pagtatapos ng Undas break