Home METRO Sunog sumiklab sa coal-fired power plant sa Bataan

Sunog sumiklab sa coal-fired power plant sa Bataan

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang coal-fired power plant sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan nitong umaga ng Linggo, Disyembre 17.

Sa pahayag, sinabi ni Arcel Madrid, assistant vice president for community relations ng GNPower Mariveles Energy Center Ltd. Co., na ang unit 1 at 2 ng planta ay isinara nitong Linggo matapos ang suspension ng coaling ng bunkers dahil sa “spontaneous combustion that occurred at the crusher house.”

Walang direktang epekto sa mga consumer ang shutdown ng planta maliban sa local electricity distributor katulad ng Peninsula Electric Cooperative, Inc. (Penelco), ani Madrid.

Sa ngayon ay nananatiling normal ang sitwasyon ng kuryente sa Bataan.

Ani Madrid, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may sumiklab na sunog sa naturang power plant.

Wala nang iba pang ibinigay na detalye ang pamunuan ng planta, maliban sa sinabi nilang naapula na ng mga bumbero ang sunog. RNT/JGC

Previous articleTaxi drivers na namimili ng pasahero, colorum PUVs tutugisin ng LTO
Next articleExtension sa operator hours ng MRT, LRT sa holiday season isinusulong