Home ENTERTAINMENT Sunshine, may creepy message sa yumaong ama’t asawa!

Sunshine, may creepy message sa yumaong ama’t asawa!

Manila, Philippines- Obyus na devastated nang todo si Sunshine Guimary.

Nitong June 22, Sabado ay kaarawan niya.

Pero sa halip na maging happy birthday ‘yon ay may hatid itong sobrang kalungkutan.

Huling gabi din kasi ‘yon ng lamay ng kanyang asawa.

Gayunpaman, the sexy actress managed to celebrate it.

May hawak nga siyang cake as she stood in front of her husband’s casket.

Aniya, 12 months ago raw ay naulila siya ng kanyang ama, at sumunod ang asawa niya?

“Bakit tinataon n’yong birthday ko pa?” sabi ni Sunshine.

Sobra raw niyang mami-miss ang namaalam na asawa who she’d share a table with during mealtime.

Hindi rin daw makakalimutan ni Sunshine ang mga kuwelang jokes nito, at ang pakikipag-chat to check on her.

“Sige baby,” patuloy niya, “maglakbay ka muna kasama si papa. Hug him for me.”

Sa puntong ito na nasabi ni Sunshine ang makapanindig-balahibong linya na, “Next year hintayin n’yo ako…”

Harinawang dala lang ng pagkadurog ng puso ang mga salitang binitiwan ni Sunshine.

As in she didn’t mean what she said. Ronnie Carrasco III