Manila, Philippines- Hindi na napigilan ni Sunshine Dizon ang kanyang sarili nang makipagbardagulan sa isang netizen sa X (dating Twitter).
IKinumpara kasi siya nito sa TV/film/theatre actress na si Pinky Amador na natalbugan na siya sa afternoon soap ng GMA na Abot-Kamay na Pangarap.
In contrast sa obyus na napabayaang career niya when she opted to leave GMA and transfer to ABS-CBN.
Sagot ni Sunshine, “I’m happy for Tita Pinky for all the success she’s getting, Walang issue du’n.”
Hindi pa nakuntento, the netizen who’s hiding under the guise of wearing a hat went on to say that because of that, nalos na ang aktres.
Again, Sunshine didn’t take the comment sitting down.
Aniya, hindi raw niya habol ang kasikatan “But I want to make beautiful characters out of the beautiful stories that I appear in.”
Hindi pa rin natinag ang netizen who retaliated: “Cut the crap to no to fame! You need fame to be relevant!”
Sinisisi pa ng netizen ang kawalan ni Sunshine ng ka-loveteam kaya dumausdos ang career nito.
Sunshine simply wouldn’t throw in the towel.
Sinagot niya ito ng: “Dear, you’ve forgotten that I’m already 40!”
Okey na sana ang panunuya ng netizen kay Sunshine on the basis of her career direction, pero sadyang binubuwisit siya ng netizen.
Pati kasi ang napabalitang estafa case ng aktres ay idinamay pa ng kanyang basher.
Muli, Sunshine has these retaliatory words for the netizen.
Dahil wala naman daw itong alam tungkol sa puno’t dulo ng kaso’y huwag na itong mangialam pa.
“You don’t know the legal battle kaya huwag ka nang sumali kung ayaw mong pati ikaw madamay sa gulo!” Sunshine snaps back.
Sa bandang huli’y tinawag na duwag ni Sunshine ang netizen whose profile picture ay sumbrero.
In fairness, nakahanap naman ng mga kakampi si Sunshine laban sa intrimitidang basher, na pinayuhan siyang huwag na niyang patulan: “‘Di ba, sabi mo nga, laos na ako? So why are you wasting your time on me?” Ronnie Carrasco III