Home OPINION ‘SUPER FRIENDS’ SA COA BANTAY  SALAKAY SA PONDO NG BAYAN?

‘SUPER FRIENDS’ SA COA BANTAY  SALAKAY SA PONDO NG BAYAN?

167
0

MARAMING tanong kaysa sagot kung tapat ang ating opisyales sa Commission on Audit sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ilan sa mga katanungang dapat mabatid ng taumbayan ang tamang kasagutan ay kung sino ang mga taong bayad na ang sahod pero nangungulimbat pa rin sa pondo ng gobyerno na sila dapat ang magprotekta.

Mga tanong sa kumakalat na alingasngas tungkol sa tinatawag na “Super Friends” sa loob ng COA, na sila dapat ang taga-bantay sa pera ng taumbayan:

Sino si Superman sa loob ng COA? Sino si Super Cat? Sino si Super Boy? Sino sina Batman at Robin?

Isa sa COA ‘Super Friends’ ay kilalang tirador ng mga kontrata sa gobyerno gamit ang iba’t ibang construction companies ng kanyang ex-girlfriend na nagmula sa mahirap na pamilya sa isang malayong probinsiya.

Itanong natin sa mismong bossing ng COA kung alam n’yang naghakot ng higit bilyon-pisong government contracts mula sa ilang national govt agencies at LGUs itong isang Super Friend.

Ano naman ang kapalit nang pagbigay ng gov’t projects sa nasabing Super Friend?

Siyempre pa, luluwagan ng kanyang  piling auditors ang pagbusisi ng mga librong gastusin o pondo ng mga “friendly” at mapagbigay na ahensiya ng gobyerno, lokal man o nasyunal.

Previous articleOMBUDSMAN GETS ALLY IN GADON 
Next articleKORAPSYON AT PATAYAN SA BRGY, SK ELECTIONS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here