MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Sabado, Oktubre 14 na inaasahang magiging stable na ang suplay ng bigas sa bansa pagsapit ng first quarter ng 2024.
Ani DA spokesperson Arnel de Mesa, nagsimula na kasi nitong Oktubre ang peak ng anihan para sa wet season.
Inaasahang tatagal ng hanggang 77 araw ang national stock inventory ng bigas, at hanggang 94 araw sa pagtatapos ng anihan sa Nobyembre.
Dahil dito, inaasahang aabot sa hanggang 2.4 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng third quarter ng 2024 ang national stock inventory ng bigas, na tatagal naman ng nasa 60 hanggang 90 araw.
Umaasa rin ang DA na madaragdagan ang suplay ng bigas dahil sa pag-aangkat mula sa ibang bansa. RNT/JGC