Home NATIONWIDE Suplay ng bigas sa El Niño, sapat – DA exec

Suplay ng bigas sa El Niño, sapat – DA exec

MANILA, Philippines – “Sapat ang suplay ng bigas.”

Tiniyak ito ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes sa publiko na hindi kailangang mag-alala tungkol sa supply ng bigas sa mga darating na buwan dahil may sapat na supply mula sa importasyon at lokal na produksyon.

”Mas magiging komportable tayo sa pagkonsumo. Huwag kayong mag-aalala kung sino iyong mga mahal niyo sa buhay, mayroon pa rin siyang bigas (Don’t worry, whoever may be your loved ones, they will all have rice),” ayon kay DA Undersecretary Roger Navarro.

Dagdag pa ni Navarro, sa kabila ng epekto ng El Niño, may sapat na suplay ng mga pananim ang bansa.

“Nag-brief lang si Secretary Kiko (Francisco Tiu-) Laurel sa Presidente na lahat ng crops commodities natin, lalo na sa palay, mais, baboy, at manok ay magiging stable at walang magiging problema sa mga darating na buwan. So, we don’t need to worry, relax ka lang,” anang opisyal.

Kaugnay nito sinabi ni Navarro na ang bansa ay nangangailangan ng humigit-kumulang 2.6 hanggang 2.8 milyong metriko tonelada o hindi bababa sa 330,000 metriko tonelada ng rice import volume kada buwan para sa average na konsumo na 37 metriko tonelada kada araw.

“Sa ngayon, nag-import na tayo mula Enero hanggang ngayon, parang 590,000 metriko tonelada na higit pa sa kailangan natin para sa buwang ito… Sa darating na produksyon ay darating ang Marso, hanggang Abril, Mayo, Hunyo, kaya magkakaroon tayo ng sapat na suplay ng bigas,” sinabi niya.

Samantala, sinabi niya na ang presyo ng bigas sa bansa ay nananatiling malapit sa mga bansang supplier nito tulad ng Vietnam at Thailand.

Kaugnay nito, iniugnay ni Navarro ang kasalukuyang presyo sa merkado sa mataas na presyo ng input sa internasyonal na merkado, partikular na para sa mga pataba at binhi. Santi Celario

Previous articleP50B unpaid claims sa mga ospital, doktor binayaran na ng PhilHealth
Next article11 natitirang guerilla fronts buburahin ng AFP