Home NATIONWIDE Suplay ng bigas sapat ‘gang susunod na taon – DA

Suplay ng bigas sapat ‘gang susunod na taon – DA

Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa mga sambayanang filipino na may spaat na suplay ng bigas ang bansa.

Tatagal ito ng hanggang susunod na taon dahil sa  “bumper” harvest sa panahon ng wet season o tag-ulan sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isinagawang  “Bagong Pilipinas Ngayon” briefing na ang stable na suplay ng bigas ay nagsimula noong Agosto ngayong taon, at inaasahan na magtatagal hanggang sa susunod na buwan.

Winika ni De Mesa na inaasahan na nila na ang national inventory stocks ay aabot ng 77 araw  ngayong buwan,  inaasahan na tataas ng hanggang  94 days sa Nobyembre  ngayong taon dahil sa patuloy na pag-aani ngayong tag-ulan.

Aniya pa, hindi pa naman ‘included’ ang pag-angkat ng bigas sa kanilang naging bilang.

 “So, maaasahan po natin na maganda at malaki po iyong national inventory natin ng bigas … Maasahan po natin na talagang sapat at maganda at matatag po ang supply ng bigas natin na maaasahan po natin hanggang sa pagpasok po ng susunod na taon na 2024,” ani De Mesa.

Sa inaasahan na ‘stabilization’ ng suplay ng bigas,  hindi naman nakikita nina  De Mesa  ang anumang paggalaw sa presyo ng bigas sa merkado.

“Mataas o bumper iyong ating harvest ngayong wet season. Magmula po noong katapusan ng Agosto, ngayong Setyembre hanggang Oktubre, hanggang sa Nobyembre po ay inaasahan po natin na talagang – wala po tayong inaasahan na pagsipa pa ng presyo,” anito.

“At kung papasok pa po iyong additional imports natin, nitong huling buwan ng Setyembre, pumalo po ito sa mahigit 271,000 metric tons at historically ay marami pa rin naman iyong pumapasok na imports sa last quarter na bahagi ng taon,” dagdag na pahayag  nito.

Samantala, sinabi naman ni De Mesa na tinatrabaho na ng pamahalaan na tapyasan ang ‘cost of production’ sa Pilipinas upang sa gayon ay matiyak ang ‘affordable prices’ sa mga pangunahing bilhin sa merkado. Kris Jose

Previous article‘Bagong Pilipinas’ Song Writing Contest binuksan ng PCO
Next articleIka-13 Provincial Superior of the Philippines Jesuits pinangalanan