Home OPINION SUPLAY NG TUBIG SA MEGA MANILA TULOY-TULOY SA KABILA NG ANGAT DAM...

SUPLAY NG TUBIG SA MEGA MANILA TULOY-TULOY SA KABILA NG ANGAT DAM REPAIR

Ang Angat dam ay isa sa mga pangunahin nating dam na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan, na may magandang watershed kaya dapat na pangalagaan.

Ang tubig mula sa Angat dam ay umaagos patungo sa mga irigasyon kung saan naiimbak ang masaganang tubig para ma­gamit sa mga pananim, hayop iba’t ibang bagay na kailangang gamitan ng tubig lalo na ang pagpapatakbo sa elektrisidad.

Nasa 50 cubic meters per second (CMS) ang inaprubahang alokasyon ng NWRB o National Water Resources Board para sa MWSS o Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System mula sa Angat dam para mapanatili ang maayos na suplay ng tubig sa Greater Manila Area habang sumasailalim sa rehabilitasyon ang dam na nagsisimula nitong nakaraang Lunes (November 6, 2023) at magtatagal hanggang January 6, 2024.

Ayon sa NWRB naiintindihan nila ang rason kung bakit kinakailangan ang mas mataas na alokasyon ng tubig lalo pa’t nataon ang pagsasaayos ng dam sa panahon ng Kapaskuhan kung saan ay tumataas din ang pangangailangan lalong higit sa domestikong paggamit.

Kaya pagseseguro ng MWSS sa publiko na walang anomang magaganap na water interruption sa loob ng dalawang buwang rehabilitasyon nito.

Ang pagkumpuni ng Angat Dam ay mahalaga upang masi­guro ang kapakanan ng milyon-milyong Pilipino na umaasa sa mga ito.
Tinatayang 97 percent seserbisyuhan ng mga lugar ng MWSS, kabilang na ang Metro Manila, at ilang bahagi ng Rizal, Bulacan at Cavite ang sinusuplayan nito ng tubig. Nasa 15 mil­yong Pilipino ang sakop nito. Sa irigasyon: Halos 27,000 ektarya ng palayan ang pinapatubigan nito sa Bulacan at Pampanga. Sa kuryente: 246 megawatts naman ang nalilikha nito para sa kalakhang Luzon.

Kinakailangan ang pagsasaayos ng planta para mapahaba pa ang buhay nito. Mayroon itong 218 megawatt (MW) na kapasidad na binubuo ng apat na main units at tatlong auxiliary units na mahalaga sa tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa Metro Manila at mga lalawigan ng Cavite at Rizal, at sa mga irigasyon ng Bulacan at ng Pampanga.

Pero ayon sa MWSS ay target nila na madaliin ang pagsasaayos at gawin na lamang ito sa loob ng forty-five (45) days.

Previous articleHepe at tauhan ng MPD Station 1, sinibak sa jailbreak
Next articleLTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs