Home NATIONWIDE Suporta para sa mga magsasaka, mangingisda sa epekto ng climate change, tiniyak...

Suporta para sa mga magsasaka, mangingisda sa epekto ng climate change, tiniyak ng DA

445
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ng  Department of Agriculture (DA) na ginagawa ng administrasyon ang lahat ng makakaya nito para protektahan ang mga magsasaka at mangingisda laban sa epekto ng  climate change.

Sa naging talumpati ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa pagdiriwang ng National Farmers and Fishers Month, nangako si  Panganiban na ipagpapatuloy ng administrasyon ang suporta nito sa sektor ng agrikultura.

“This year, President Ferdinand Marcos Jr. has ordered the single greatest annual investment in climate change for the farm and fishery sector, with more than PHP25 billion for research, new technologies, training, and infrastructure to allow the sector to adapt to climate-related impacts,” ani Panganiban.

“The Marcos administration will continue to push for stronger support for the sector, given the budget that we are asking for. Because expanding investments along the food value chains will create jobs, especially for the marginalized sectors of our society,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran pa nito na ang mga magsasaka at mangingisda, nagsilbi bilang  food security goal front-liners, ay karapat-dapat na kilalanin ang kanilang “selfless hard work.”

Sa pagsuporta sa agri-frontliners ng bansa, winika ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa  na isinama ng administrasyon ang apat pang  “major programs” kabilang na rito ang “P2.3-billion Adapting Philippine Agriculture to Climate Change project, sakop ang  Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Bicol Region, Northern Mindanao, and SOCCSKSARGEN; Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project (FishCore) nagkakahalaga ng P11.422 billion para sa  24 lalawigan;  ang P6.625-billion Mindanao Inclusive Agriculture Development Project para sa 26 ancestral domains; at Philippine Rural Philippine Rural Development Project, na may pinakamataas na budget na P45.012 billion, sakop ang 82 lalawigan sa bansa.

Advertisement

Sa kasalukuyan, ang  DA ay mayroong mahigit sa daang bilyong piso halaga ng proyekto sa bansa para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para sa kanilang ani.

“We have actually 65 active sub-projects worth over P200 billion, many of which are funded by the FAO (Food and Agriculture Organization of the United Nations) of course, of the World Bank, and other multilateral, bilateral partners, including locally funded projects,” ani de Mesa.

Samantala,  kinikilala naman ng DA, ang iba’t ibang contributors, kapuwa mula sa grupo at sikat na mga magsasaka at mangingisda, para sa kanilang  outstanding accomplishments sa agriculture sector.

Kabilang sa mga pinarangalang grupo ay ang Tublay Organic Practitioners Agriculture Cooperative, One Samar Agro-Organic Practitioners Inc., Kayapa PGS Group; at maging ang  Blessed Corean Swine Raisers Association, D. Riconalla Farmers Association, at Lala Fishermen’s Cooperative.

Ang mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang kategorya ay kinabibilangan nina Edgar de Luna at Dr. Richard Turno para sa tanyag na corn at cassava farmers; Enrico Batungbacal, Basilio Ngaseo Jr., at Dick Evasco para sa high-value crops category; Luis Bausa, Juan Amormio Cabardo, at Margareta Joseph para sa urban at peri-urban program; Chester Warren Tan, Rolando Tambago, at Dr. Angel Antonio Manabat para sa livestock programs; at Ramir Rendon, Conchita Roldan, at Roberto “Ka Dodoy” Ballon para saBureau of Fisheries and Aquatic Resources’ outstanding fisherfolk. Kris Jose

Previous articleArjo-Maine wedding, sa July 28 na raw!
Next articleDegamo slay suspects, ayaw nang kumanta – Remulla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here