Home NATIONWIDE Suporta sa AFP muling pinagtibay ni PBBM

Suporta sa AFP muling pinagtibay ni PBBM

MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta para sa mga uniformed members ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng tuloy-tuloy na ‘tsismis” na destabilization plot laban sa kanyang administrasyon sa loob ng military at Philippine National Police.

Ang posisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ipatawag niya at makapulong sina AFP Chief of Staff Romeo Brawner at commanding officers ng “3 branches of services” ng military sa Palasyo ng Malakanyang.

Present sa nasabing pulong si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda at iba pang top police officials ng bansa.

Nauna rito, inanunsyo ng Pangulo na inaprubahan na niya ang “a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support.”

Samantala, makailang ulit namang itinanggi ng AFP at PNP ang nasabing ‘tsismis” na ang miyembro ng mga ito ay nagpa-plano ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos. Kris Jose

Previous articleRobi, nagluksa sa araw ng kasal!
Next articleVietnamese arestado sa Pasay sa panggugulo at hinihinalang shabu