Home METRO Supplier ng armas sa ‘gun for hire’ arestado

Supplier ng armas sa ‘gun for hire’ arestado

CARMEN, Bohol- ARESTADO ang isang lalaki na umano’y supplier ng armas sa mga ‘gun for hire’ matapos salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito sa pamamagitan ng search warrant, nitong Sabado sa bayang ito.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Branch 51 Judge Jorge Espinal ng Regional Trial Court 7th Judicial Region, Carmen nadakip ang suspek na kinilalang si Daniel Adlaon, alyas Danny, 47, ng Purok 2, Barangay Villaflor, Carmen.

Sa pinagsamang operasyon ng Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bohol Police Provincial Office, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel John Kareen Escober at ng Carmen Municipal police station, nakuha sa bahay ng suspek ang iba’t ibang uri ng armas gaya ng 1- unit ng 9mm sub-machine gun, isang 9mm sub-machine gun assembly, apat na units caliber .38 revolver na walang serial number at mga bala ng iba’t ibang kalibre ng mga armas.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek at inaalam na rin ng mga awtoridad ang posibleng mga kasabwat ng suspek sa iligal nitong aktibidades. Mary Anne Sapico

Previous article7 Filipino mula Lebanon nakauwi na
Next articleLalaki tigbak sa kaalitan