Home NATIONWIDE Surigao del Sur inuga ng magkasunod na lindol

Surigao del Sur inuga ng magkasunod na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magkasunod na lindol ang Surigao del Sur nitong Linggo, Oktubre 29.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang magnitude 4.0 at 4.8 na lindol bandang 8:53 ng umaga at 8:56 ng umaga, kung saan ang epicenter ay naitala sa hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Madrid sa nasabing probinsya.

Naramdaman ang instrumental Intensity I ng lindol ang Cabadbaran City, Agusan del Norte at Intensity I din sa Lanuza, Surigao del Sur sa unang lindol.

Samantala, naitala ang ikalawang lindol na may limang kilometro ang lalim. Sa ngayon ay wala pang naitatalang instrumental intensity kasunod ng lindol. RNT/JGC

Previous article31K PDLs boboto sa BSKE
Next articlePBBM, planong bumili ng locally-made materials sa infra projects