Home METRO Surigao del Sur niyanig muli ng M-5.5 na lindol

Surigao del Sur niyanig muli ng M-5.5 na lindol

MANILA, Philippines – Muling niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Surigao del Sur nitong Sabado.

Sinabi ng Phivolcs na yumanig ang lindol dakong 10:22 ng gabi sa may karagatan sa tabi ng probinsya. May lalim ito na 10 km at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramdaman ang Intensity III sa siyudad ng Bislig, Surigao del Sur, at Intensity IV naman sa Nabunturan, Davao de Oro. Santi Celario

Previous article2-araw na tigil-putukan idineklara ng CPP-NPA
Next articleKalahating bilyong lotto jackpot ‘di pa rin napapanalunan