Home METRO Surigao del Sur niyanig ng M-4.4 quake

Surigao del Sur niyanig ng M-4.4 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na natukoy ang pagyanig 18 kilometers northeast ng Cortes, Surigao del Sur.

Naganap ito ng alas-8:28 ng gabi at may lalim na 31 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I sa mga sumusunod na lugar:

  • City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

  • City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

  • City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE

Niyanig ng lindol ang lalawigan dalawang buwan matapos tumama ang magnitude 5.7 na lindol dito. RNT/SA

Previous articleEasterlies nakaaapekto sa buong bansa
Next articleMarcos balik-Pinas na