Home METRO Surigao del Sur niyanig ng M-4.9 na lindol

Surigao del Sur niyanig ng M-4.9 na lindol

MANILA, Philippines – Yumanig ang isang magnitude 4.9 na lindol ang sa Surigao del Sur alas-7:43 ng gabi, nitong Huwebes, Pebrero 22, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol apat na kilometro (km) hilagang-kanluran ng Bayabas, Surigao del Sur.

May lalim na 49 km ang nasabing lindol at tectonic ang sanhi nito, dagdag pa ng Phivolcs.

Sinabi din ng seismic bureau na naramdaman ang Intensity III sa Lungsod ng Butuan at Cagwait, Surigao del Sur, habang Intensity II naman ang naramdaman sa Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Habang naramdaman ang Intensity I sa Boston, Davao Oriental at Nabunturan, Davao de Oro.

Sinabi ng Philvolcs na walang naitalang pinsala sa ari-arian.  RNT

Previous articleDOKTOR: DAPAT BANG MARAMI O KOKONTI?
Next article340K Pinoy mawawalan ng trabaho sa dagdag P100 minimum wage – NEDA