Home METRO Surigao del Sur niyanig ng M-5.3 lindol!

Surigao del Sur niyanig ng M-5.3 lindol!

MANILA, Philippines – Niyanig ng isang magnitude 5.3 na lindol ang Surigao del Sur noong Huwebes ng umaga, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang epicenter ng lindol sa 08.77°N, 127.04°E – 083 km S 78°E ng Cagwait.

Naganap ang tectonic quake alas-8:10 ng umaga at may lalim na siyam na kilometro.

Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na intensidad:

Intensity V – Hinatuan, SURIGAO DEL SUR
Intensity IV – Lungsod ng Bislig, SURIGAO DEL SUR
Intensity II – Lungsod ng Bislig, SURIGAO DEL SUR

Sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang pinsala at aftershocks mula sa lindol. RNT

Previous article“Lobbying money” sa pag-apruba sa economic provisions pinasinungalingan ng solon
Next articleInflation rate sa Pebrero posibleng sumampa sa 2.8%-3.6% – BSP