Home METRO Suspected NPA rebel patay sa Agusan clash

Suspected NPA rebel patay sa Agusan clash

MANILA, Philippines – Patay ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army kasunod ng bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo sa Agusan del Norte nitong Martes, Enero 16.

Ayon sa Army 23rd Infantry Battalion, nakaengkwentro ng kanilang mga tropa ang hindi pa tukoy na dami ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Calaitan, Barangay Simbalan, Buenavista.

Sinabi ng 23rd IB na inabisuhan sila ng mga residente sa lugar sa presensya ng mga hinihinalang rebelde.

Idinagdag pa na tumagal ang bakbakan ng 10 minuto.

Doon na tumambad ang katawan ng isang nasawi, at tatlong armas na naiwan na binubuo ng dalawang M16 rifles at cal. 30 carbine.

Narekober din ang personal na pagmamay-ari at iba pang mga dokumento mula sa mga rebelde.

“This operation is part of our relentless effort to end the local communist armed conflict in our area of operation,” ani 23rd IB commander Lieutenant Colonel Jeffrey Balingao.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Balingao na ang tropa ng pamahalaan “can contain [the rebels] from conducting terror activities” sa suporta na rin ng mga residente sa lugar. RNT/JGC

Previous articleKris, nagpaka-faney kina Heart at Jerico!
Next articleRonaldo, may iniwang note bago pumanaw!