Home METRO Suspek na pumatay sa bakasyonistang OFW nahuli na; biktima sinaksak ng 26...

Suspek na pumatay sa bakasyonistang OFW nahuli na; biktima sinaksak ng 26 beses

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa pananaksak-patay sa babaeng overseas Filipino wotker (OFW) na nagbabakasyon lamang sa Pilipinas para magdiwang ng Pasko sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Art Tondo, ay umamin sa krimen at nadakip ng mga awtoridad sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, na nagawa pa umanong kumuha ng kanyang sahod bilang construction worker sa lugar.

Si Tondo ang sangkot sa pagpatay kay Canice Minica Seming, 29-anyos na natagpuang duguan sa bahay ng kapatid nito sa Rizal.

Lumitaw sa autopsy na nagtamo ang biktima ng 26 na saksak sa katawan.

“Para siyang normal, eh, nung hinuli siya. wala siyang… there’s no sense of remorse during his arrest. Wala siyang remorse. kumuha pa sya ng sahod nya. Parang walang nangyari,” pagbabahagi ni Antipolo Police Chief Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo nang maaresto si Tondo.

Sa salaysay ng suspek, pumunta umano si Tondo sa bahay kung saan kasambahay ang kaniyang dating kinakasama. Dahil wala sa bahay ang target, inutusan umano ng suspek ang biktima na i-chat ang kasambahay.

“Nagkasagutan po kami. Pinapalabas po ako ni…biktima. Lasing po ako noong mga time na ‘yon,” sinabi ng suspek, kung saan nagdilim umano ang kanyang paningin saka pinagsasaksak ang OFW.

Humingi naman ng tawad si Tondo sa mga kaanak ng biktima. Kasong murder ang isasampa laban kay Tondo.

“The number of stab wounds will be an indicator or magpi-fit siya doon sa ating ipa-file na complaint na murder,” ani Manongdo.

“Twenty-six na stab wounds, talagang karumaldumal. Yung degree ng pagpatay is malala.”

“Masaya naman po kami na nakuha namin kaagad ‘yung, hindi pa hustisya, kung ‘di ‘yung pag-aksyon ng media at police. Kasi at least nakuha na namin yung suspek,” tugon naman ni Jose Garcia, bayaw ng biktima.

“Kami sa ngayon ay nagpapasalamat sa lahat sa media especially [dahil] naging maliit ang mundo ng tao na ito.” RNT/JGC

Previous articleSuspek na namaril sa Christmas party sa Cebu, arestado!
Next article60K daily arrivals naitala ng BI sa buong bansa ngayong Disyembre