Home NATIONWIDE Suspek sa Degamo slay magsasampa ng habeas corpus sa pagpapalaya ng ...

Suspek sa Degamo slay magsasampa ng habeas corpus sa pagpapalaya ng pamilya

602
0

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng abogado ng isa sa mga suspek sa kasong pagpatay kay Gobernador Roel Degamo na si Jhudiel Rojas Rivero a.k.a Osmundo Rivero na maghahain sila ng petisyon para sa ‘habeas corpus’ para palayain ng mga awtoridad ang kanyang pamilya na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila ang kinaroroonan mula nang sila ay ikustodiya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) noong Marso ngayong taon.

Sinabi ni Atty. Danny Villanueva, abogado ni Rivero, nawalan ng kontak ang kanyang kliyente sa kanyang pamilya na binubuo ng kanyang asawang si Quennie, step son na si Christian King, 15 anyos at dalawang taong gulang na sanggol na si Jhopiel Keith, mula nang kunin sila ng NBI at ng Department of Justice noong Marso 14, 2023 mula sa Police Provincial Office ng Pagadian City, Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Villanueva si Rivero ay hindi na maaaring makipag-usap sa kanyang pamilya mula noon at walang anumang balita tungkol sa kanilang kinaroroonan at kalagayan.

Sinabi ng abogado na ang petition for habeas corpus, ay pasimula sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga ahente ng NBI at DOJ personnel.

“Their act constitute a crime of abduction or kidnapping. It can also be considered as arbitrary arrest and detention, as the family’s Rivero’s not agree to transfer here in Manila or wherever safe houses,” paliwanag ni Villanueva.

Idinagdag niya na ipinagtapat sa kanya ni Rivero ang bagay sa kanyang pagbisita noong Lunes sa NBI detention para pag-usapan ang kanilang susunod na pagdinig sa Mayo 31, 2023 kung saan Ibinunyag din sa kanya ni Rivero na ang kanilang (tatlong iba pang akusado) ay pwersahang kinuhanan ng sample ng dugo.

“We will inform the court about this. From the viewpoint of a lawyer, this a bad situation. The blood samples might planted at the crime scene and evidences to prove their involvement in the slay-case,” ani Villanueva.

Idinagdag pa ng abogado na ang kanyang kliyente ay ginagarantiyahan din ng ating saligang batas para sa kanyang karapatan. RNT

Previous articleLalaki arestado sa sextortion
Next articleWilbert, nag-ala-Voltes V sa kaarawan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here