Home NATIONWIDE Suspek sa pagpaslang sa Pinay caregiver sa Jordan kinasuhan – Cacdac

Suspek sa pagpaslang sa Pinay caregiver sa Jordan kinasuhan – Cacdac

MANILA, Philippines- Isinakdal ang suspek sa pagpatay sa babaeng overseas Filipino worker (OFW) na nagtrabaho bilang caregiver sa Jordan, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

“We honor the chance to update our dear OFW families with respect to their pursuit for justice. In the case of slain Jordanian OFW Mary Grace Santos, we updated Nanay Santos today about the indictment by the Prosecutor of the accused perpetrator,” pahayag ni Cacdac sa social media post nitong Huwebes.

Naiulat na nawawala si Santos noong October 11 at kinabukasan ay natagpuang patay sa loob ng isang closet sa basement ng kanyang employer matapos iulat ng kanyang pamilya ang pagkawala niya sa Overseas Workers Welfare Administration.

Batay sa police report, ginahasa at sinakal ang biktima. Ang anak ng kanyang katrabaho na isang menor-de-edad ang pangunahing suspek.

Walong taong nagtrabajo sa ibang bansa si Santos bilang caregiver upang suportahan ang dalawa niyang anak, isa sa mga ito ay mayroong congenital heart disease. RNT/SA

Previous article6 patay, 2 sugatan sa sunog sa Quezon!
Next articlePinoy Muslims nagsagawa ng pro-Palestinian rally