Home METRO Suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster kakasuhan na – PNP

Suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster kakasuhan na – PNP

446
0

MANILA, Philippines – Tukoy na ng pulisya ang gunman na namaril-patay sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro.

Kasabay nito ay inihahanda na rin ng mga awtoridad ang reklamo para sa suspek., sinabi ni Philippine National Police chief Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, Hunyo 6.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay pinagbabaril-patay ng riding-in-tandem ang mamamahayag na si Cresenciano Aldovino Bunduquin sa tapat ng sariling tindahan sa
Barangay Santa Isabel, Calapan City.

“Although it was a sad incident talaga, but based on the updates on our regional offices sa PRO (Police Regional Office) 4-B, ‘yung kaso is, I think it’s ready na,” ani Acorda kasabay ng press briefing sa Camp Crame.

“Ready for filing, identified na din ang suspect (perpetrator named), and we will give its specifics, especially names, once we [filed] a case,” dagdag niya.

Nangako naman si Acorda na ang kasong isasampa laban sa suspek ay “strong” at “fruitful.”

“Ang assessment naman, I was assured by the regional director naman that it is a solid and strong case and fruitful naman ang investigation na ito,” ayon pa sa opisyal. RNT/JGC

Previous articlePCSO nangako ng patuloy na bukas na linya sa publiko
Next articleBong Go sa media: Pagsasabi ng katotohanan, ituloy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here