Home NATIONWIDE Suspek sa pananaksak na ikinasawi ng Filipino-German tourist kinasuhan

Suspek sa pananaksak na ikinasawi ng Filipino-German tourist kinasuhan

PARIS, France- Kinasuhan ng pagsasagawa ng terror attack at inilagay sa solitary confinement nitong Miyerkules ang isang lalaki na hinihinalang nanaksak sa Filipino-German tourist malapit sa Eiffel Tower, dahilan upang masawi ito, ayon sa kanyang abogado.

Naganap ang pag-atake nitong Sabado ng gabi sa kasagsagan ng highest alert level ng France laban sa background ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group Hamas.

Kasunod ito ng serye ng isolated attacks sa bansa kamakailan.

Dahil dito, umigting ang pagkabahala sa seguridad para sa run-up sa Paris Olympic Games.

Pinangangsiwaan ng French anti-terrorist prosecutors ang kaso na nagbukas ng imbestigasyon sa¬† “terrorist” plot.

Kilala si Armand Rajabpour-Miyandoab, isang French national na isinilang noong 1997 sa mga magulang na Iranian, na isang Islamist radical na nakiisa sa Islamic State group at nasa ilalim ng psychological surveillance para sa mental health issues.

Dinakip siya sa pagpaslang sa 23-anyos, na kinilalang isang German-Filipino citizen, mula sa dalawang tama ng martilyo at apat mula sa kutsilyo, na nag-iwan ding sugatan sa iba pa.

Humarap si Rajabpour-Miyandoab appeared sa investigating magistrate, na pormal na nagkaso sa kanya.

Sinabi ng kanyang abogadong si Clementine Perros na isinailalim siya ng isang judge sa solitary confinement bilang bahagi ng pre-trial detention.

Aniya sa mga imbestigador, ginawa niya ito “in reaction to the persecution of Muslims around the world”, ayon sa isang source, na inilarawan siya na “very cold” sa kasagsagan ng interogasyon.

Aniya, pinili umano niya ang Eiffel Tower dahil “he could not bear it being lit up in the colors of the Israeli flag”, batay sa source.

Nakiisa ang French authorities sa Israel matapos ang October 7 attacks ng Hamas na pumaslang sa 1,200 indibidwal, karamihan ay sibilyan, at kung saan dinukot ang 240 hostages, base sa Israeli authorities.

Sa Israeli military campaign naman upang buwagin ang Palestinian militant group, 16,000 katao na ang namatay sa Gaza, karamihan sa kanila ay mga kababaihan at mga bata, base sa Hamas-run government.

Lumipat sa islam si Rajabpour-Miyandoab sa edad na 18 at nagsimulang kumonsumo ng IS propaganda, base sa prosecutors. RNT/SA

Previous articleDPWH chief: May warning signs sa Antique ‘killer curve’
Next article1 trak na kamatis dinispatsa sa bakanteng lote sa N. Vizcaya