Home HOME BANNER STORY Suspek sa pananambang sa gobernador arestado

Suspek sa pananambang sa gobernador arestado

ILIGAN CITY –ARESTADO ang isa sa mga suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr.s at kanyang convoy na ikinasawi ng apat kabilang ang tatlong pulis sa isinagawang operasyon ng pulisya at militar kahapon, Mayo 25 sa probinsyang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Lomala Baratomo, alyas Commander Lomala, 42, may-asawa at residente ng Bato-bato, Maguing, Lanao del Sur.

Sa pinagsamang operasyon ng RID, PRO 12, 2nd PMFC PIU, SCPPO, Surallah MPS; RID, PRO BAR; Lanao del Sur PIU, 1st PMFC; intel operatives ng 15 AIB, AIR, PA, 115 FCO, PA; 103rd Brigade, 1st ID, PA; 11FSC, 5SFBn, SFR (A), PA, at 1st Mechanized Brigade, PA, nadakip ang suspek sa inilatag na checkpoint sa Sitio Morales, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.

Si Baratomo ay may standing warrant of arrest para sa kasong murder na may Criminal Case No. 9203-2023, na ipinalabas ni Judge Samina Sampaco Macabando-Usman, Presiding Judge, RTC Branch 8, 12th Judicial Region, Marawi City, Lanao del Sur at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Naniniwala ang pulisya na ang suspek ay isa sa mga kasamahan ng isang alyas “Otin,” na napatay ng mga awtoridad sa naganap na engkwentro.

Matatandaan na noong Pebrero 17, namatay ang apat na katao matapos tambangan at pagbabarilin ng mga suspek ang convoy ng nasabing gobernador na ikinasugat din nito. Mary Anne Sapico

Previous articleEU: Int’l law sa WPS, respetuhin
Next article#WalangPasok ngayong Biyernes, Mayo 26 sa bagyong Mawar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here