Home METRO Suspek sa pananambang tiklo, granada nakumpiska sa Taguig

Suspek sa pananambang tiklo, granada nakumpiska sa Taguig

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Taguig City police ang isang suspek sa pamamaril na nahulihan pa ng isang granada sa isinagawang follow-up operation Martes ng gabi (Enero 9) sa lungsod.

Kinilala ng Taguig City police ang nadakip na suspek na si alyas Datu Malik, 29.

Base sa report na isinumite ng Taguig City police sa Southern Police District (SPD), nadakip ang suspek dakong alas-8:30 ng gabi sa Zamboanga Street, Barangay Maharlika, sa lungsod.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay naganap bunsod ng isinagawang follow-up operation ng Taguig police Substation 7 makaraan ang pamamaril sa isang ginang na maniningil lamang sa kanyang pagpapautang noong Enero 7 sa Tawi-Tawi Street, Barangay Maharlika, Taguig City.

Agad na dinala sa Taguig City police custodial facility ang suspek kung saan siya kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa kasong murder at illegal possession of an explosive device sa Taguig City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

Previous article985 tiwaling parak sinibak sa ilalim ng Marcos admin
Next articlePH gov’t naghahanap ng local jeep manufacturers para sa PUV modernization program