Home METRO Suspek sa panghoholdap sa Alfamart, arestado!

Suspek sa panghoholdap sa Alfamart, arestado!

MANILA, Philippines – ARESTADO ang hinihinalang nangholdap sa isang convinience store (Alfa Mart) sa isinagawang hot pursuit operation ng Binan City Police Station nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 26 sa Barangay Sinalhan, Sta. Rosa, Laguna.

Base sa report ng Binan City Police Station kay PCol Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, dakong alas- 2:15 ng madaling araw sa isinagawang hot pursuit operation ay nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Risthy”, nasa hustong gulang, kung saan nakumpiskahan ng isang improvised gun na umano ay ginamit sa panghoholdap gayundin ang sinasakyang black Russi Motorcycle, black and green helmet, black jacket, gray jeans at black charol shoes.

Miyerkules ng madaling araw nang holdapin ng suspek ang Alfamart convenience store sa Manabat St. Barangay San Antonio, Binan, Laguna matapos na pumasok at magpanggap na customer kung saan kaagad na tinutukan ng baril ang crew/cashier ng nasabing tindahan kasabay ng pagdeklara ng holdap.

Natangay umano ng suspek ang cash na nagkakahalaga ng P5,701.50.

Napag-alaman na matapos na matangay ng suspek ang nabanggit na halaga ay mabilis itong tumakas lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Santa Rosa City, samantala kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon at hot pursuit operation ang mga tauhan ng Binan City PNP na humantong sa pagkaaresto sa suspek. Ellen Apostol

Previous article3rd district ng Leyte pinadaragdagan ng mga pulis, sundalo sa karahasan
Next articleDrayber na wanted sa pagpatay tiklo sa Maynila