Home HOME BANNER STORY Suspek sa rape-slay sa 8-anyos sa Lucena, patay sa kulungan!

Suspek sa rape-slay sa 8-anyos sa Lucena, patay sa kulungan!

Quezon – Isang araw matapos ang pag-amin ng suspek sa ginawang paghalay at pagpatay sa walong-anyos na batang babae sa Lucena City, ay malamig na bangkay na itong natagpuan sa kulungan, ayon sa mga pulis.

Ayon sa Lucena City Police, natagpuan ang bangkay ni Julius Rodas, 19-anyos, dakong 12:45 a.m. nitong Linggo sa palikuran ng piitan na may tali sa leeg.

Dinala pa si Rodas sa ospital ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lucena City pero idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.

Matatandaan na ang biktima ay natagpuang walang saplot, may busal sa bibig, at nakagapos sa isang bakanteng lote sa Gulang-Gulang, Lucena City noong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat, napag-alaman na si Rodas ang tumawag sa barangay matapos na umano’y nakita niya ang bangkay ng biktima. Hindi naglaon, base sa imbestigasyon at kuha ng CCTV, napag-alaman na si Rodas din ang huling nakitang kasama ng biktima.

Nang mahuli, inamin naman ni Rodas ang nagawang krimen. RNT

Previous articleVillanueva, ginawang caretaker ng Senado
Next articleSubsidiya sa ASF vax sigaw ng magbababoy sa gobyerno