Home HOME BANNER STORY Suspended MIAA chief, deputy pinatatanggal ng Ombudsman

Suspended MIAA chief, deputy pinatatanggal ng Ombudsman

MANILA, Philippines- Iniatas ng Office of the Ombudsman ang pagsibak kina suspended Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong at assistant general manager Irene Montalbo dahil sa grave misconduct, abuse of authority and misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Nagmula ang desisyon ng Ombudsman sa reassignment ng halos 285 MIAA employees sa loob ng wala pang isang taon nang walang basehan at pagtatalaga kay Montalbo sa kanyang pwesto sa kabila ng kanyang unsatisfactory rating batay sa 2020 Office Performance Commitment and Review (OPCR) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ang opisinang pinamunuan niya.

“This Office finds substantial evidence to hold respondents liable for grave misconduct, grave abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service. This office imposes upon them the penalty of dismissal from the service with forfeiture of all their retirement benefits and perpetual disqualification to re-enter government service,” saad sa desisyon ng Ombudsman.

“In this particular case, various orders were signed and issued by Chiong reassigning and designating several employees to different divisions/departments within MIAA and positions, respectively. The reassignment and designation of MIAA employees, however, were exercised with clear intent to violate the law,” dagdag pa rito.

Kapwa sinuspinde sina Chiong at Montalbo ng Ombudsman noong Abril.

Ipinag-utos ng Ombudsman sa Department of Transportation na ipatupad ang nasabing desisyon at magsumite ng compliance report sa loob ng limang araw pagkatanggap ng hatol. RNT/SA

Previous articleEconomic managers nagbabala vs P150 dagdag-sahod
Next articleMga solon kontra sa planong sugar import liberalization