Home NATIONWIDE Suspensyon iniapela ng SMNI sa NTC, MTRCB

Suspensyon iniapela ng SMNI sa NTC, MTRCB

MANILA, Philippines- Umapela ang Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Huwebes sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng suspensyon ng operasyon at mga programa nito.

Bago ang NTC, naghain ng motion for Bill of Particulars  sina SMNI lawyers Mark Tolentino at Rolex Suplico kung saan hiniling nila sa NTC na tukuyin at idetalye ang paglabag sa Certificate of Public Convenience nito at i-attach ang documentary evidence.

“The order of 19 December 2023 did not specify the violation, by the respondent, of its Certificate of Public Convenience, which is within the purview and jurisdiction of this Honorable Office,” pahayag ng SMNI.

“As such the respondent cannot intelligently file a responsive pleading without first being informed of the charges against it, particularly its violation of its Certificate of Public Convenience,” dagdag nito.

Noong Disyembre, ipinataw ng NTC ang 30-day suspension sa operasyon ng SMNI sa umano’y paglabag sa terms and conditions ng prangkisa nito. Binigyan ang network ng 15 araw mula sa pagkakatanggap ng order na ipaliwanag kung bakit hindi ito dapat parusahan.

Kasunod ito ng pagkakatanggap ng kopya ng resolusyon mula sa Kamara kung saan tinukoy ang tatlong paglabag umano ng SMNI — pagpapakalat ng pekeng impormasyon, paglilipat ng shares nang walang Congressional approval, at hindi pag-aalok ng hindi bababa sa 30% ng outstanding stock nito.

“Inadopt nila ang resolution ng House of Representatives. However, magkaiba ‘yun. ‘Yung resolution ng House of Reprsentatives, ginawa po ‘yun pursuant sa kapangyarihan ng House para mag conduct ng inquiry in aid of legislation,” wika ni Suplico sa isang ambush interview.

“Itong kaso na dala ng show cause order, na trigger naman ng pagtanggap nila ng House resolution. ‘Yung kaso na ‘yun po quasi-administrative case ‘yun, dito sa NTC,” patuloy niya.

Nauna nang inihirit ng SMNI na mag-inhibit sina NTC Commissioners Ella Blanca Lopez, Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, at Deputy Commissioner Alvin Bernardo Blanco sa kaso.

“A reading of the caption of the case will show that it is indeed this Honorable Commission, in the exercise of its quasi-judicial powers, which will ultimately rule and decide on the show cause order. In the same breadth and manner, it is also this Honorable Commission which is the complainant against the herein respondent,” saad sa mosyon.

Samantala, bago ang NTC suspension, sinuspinde ng MTRCB ang dalawang SMNI programs — Gikan sa Masa, Para sa Masa at Laban Kasama ang Bayan — sa loob ng 14 araw simula Dec. 18, 2023.

Noong January 3, naglabas ng desisyon ang MTRCB na nagsasabing nilabag ng SMNI ang Presidential Decree 1986 atImplementing Rules and Regulation nito, na nagresulta sa penalty suspension na 28 araw.

Dahil dito, naghain ang SMNI ng dalawang motions for reconsideration para sa dalawang programa sa MTRCB.

“Wherefore, considering all the foregoing, it is respectfully prayed of this Honorable Office that the decision dated 03 January 2024 be reconsidered and set aside and that the suspension for a period of 28 days inclusive of the 14 days preventive suspension period be lifted,” giit nito.

Base sa SMNI, labag ang suspensyon sa right to freedom of speech, freedom of expression of the press, at due process ng batas.

Sa hiwalay na panayam, inihayag ni Tolentino na sakaling ibasura ang motion for reconsideration, magsusumite sila ng apela sa Office of the President.

Tugon naman ng MTRCB, “It is within SMNI’s rights to file such a motion. This is part of the due process afforded to all entities dealing with our office. We will thoroughly review SMNI’s motion for reconsideration in strict accordance with our functions and responsibilities as mandated by Presidential Decree 1986.”

Samantala, sinabi rin ng NTC na maglalabas ito ng pahayag ukol sa mosyon ng SMNI. RNT/SA

Previous articleDSWD pumalag sa pagkakadawit sa Cha-cha vote-buying campaign   
Next articleMungkahi ng mga solon: Prangkisa ng NGCP bawiin; multa katumbas ng naluging negosyo sa Panay Island