MANILA, Philippines- Ipinaubaya ng Department of Education (DepEd) sa mga mambabatas ang desisyon kung sususpindehin ang paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction para sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Ipinasa sa Kamara nitong Miyerkules sa ikalawang pagbasa ang House Bil 6717, na naglalayon na suspindehin ang paggamit ng mother tongue bilang teaching language para sa K-3.
Subalit, sinabi ni Education spokesperson Michael Poa na may mga pag-aaral na nagpapakita na madaling matuto ang mga estudyante kapag gamit ang lenggwahe na naiintindihan nila.
Nauna nang inilahad ng DepEd na sinisilip nito ang pagkalos ng Mother Tongue, na tumutukoy sa native o first language ng indibidwal, bilang hiwalay na subject para sa K-3, subalit pananatilihin ito bilang medium of instruction.
“Right now, of course, DepEd would like to focus on strengthening ‘yong English program natin,” ani Poa.
“But when we say that, we mean we’d like to strengthen our English program while recognizing linguistic diversity kasi iba-iba talaga, talagang ang dami nating lenguahe at local dialects and mother tongue dito sa Pilipinas,” paliwanag pa niya. RNT/SA