Home NATIONWIDE Suspensyon ng premiums para sa minimum wage earners binubusisi ng PhilHealth

Suspensyon ng premiums para sa minimum wage earners binubusisi ng PhilHealth

MANILA, Philippines- Bukas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ideyang pagsuspinde sa implimentasyon ng premium payments para sa minimum wage earners.

Sinabi ni PhilHealth spokesperson Rey Balena, pinag-aaralan na ang proposal.

Ayon pa sa opisyal, kung magpapatuloy ang suspension, hindi nito mauubos ang pondo ng PhilHealth na inilarawan niyang “very robust.”

Maliban sa tuloy-tuloy na pagbabayad ng direktang kontribusyon, sinabi ni Balena na nangako ang gobyerno na magbibigay ng subsidies upang masiguro na stable ang pondo ng PhilHealth.

Nauna nang nanawagan si House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo para sa temporary suspension ng PhilHealth premium para sa minimum wage earners.

Sinabi ng mambabatas na sa ilalim ng House Resolution 1595, ang supensyon ay magbibigay-daan para sa utilization ng unspent appropriations na inilaan ng PhilHealth para sa premium subsidies.

Ipinaliwanag ni Quimbo na noong 2022, naglaan ang Kongreso ng P80 bilyon para ma-subsidize ang mga premium ng PhilHealth para sa mga mahihirap na pamilya, senior citizen, at mga taong may kapansanan.

Mula sa nasabing halaga, P24 bilyon ng subsidy ay nanatiling hindi nagastos.

Idinagdag pa na ang Kongreso na muling naglaan ng P79 bilyon para ma-subsidize ang PhilHealth premiums para sa indigent families, senior citizens, at persons with disabilities para sa 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBong Go sa LGUs: Kamalayan sa pag-iwas sa sunog, itaas
Next article44 dayuhang sangkot sa illegal POGO dineport ng PH gov’t