Home NATIONWIDE Suspensyon sa KWF chair binawi ng CA

Suspensyon sa KWF chair binawi ng CA

MANILA, Philippines – Pinawalang bisa ng Court of Appeals ang suspensyon laban kay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Chairperson Arthur Casanova.

Sa halip kinatigan ng CA Special 7th Division ng ang apela ni Casanova.

Ayon sa CA, hindi balido ang kautusan ng mga Commissioners ng KWF laban kay Casanova dahil wala silang kakayahan na magsuspinde ng opisyal na mas mataas sa kanila.

Si Casanova ay sinuspinde ng mga Commissioners dahil sa hindi nito umano pagpapatawsg ng pulong mula noong siya ay maitalaga noong 2020.

Dahil dito nagpasya ang mga Commissioners na suspindihin si Casanova mula June 2022 hanggang October 2022.

Idinulog ni Casanova ang isyu sa Manila RTC para maharang ang suspension order ngunit ibinasura lamang ito ng korte kaya iniakyat ni Casanova ang kaso sa Appellate Court.

Sinabi ng CA na hindi nabigyan ng due process si Casanova at sinuspinde ng walang isinasampang kaso laban sa kanya.

Binigyan-diin ng CA na nasa Pangulo ng bansa ang kapangyarihan na disiplinahin si Casanova dahil ang KWF charte ay nasa ilalim ng Office of the President.

Inatasan ng CA ang KWF na ibigay kay Casanova ang mga sahod nito na hindi natangap sa panahon ng kanyang suspensyon. Teresa Tavares

Previous articleDTI naalarma sa marijuana-flavored vapes
Next articleWarrant of arrest vs Quiboloy, ilalabas na, ’48 hours deadline, napaso’ – Hontiveros