Home NATIONWIDE Suspensyon sa SMNI ‘di isyu sa press freedom – Castro

Suspensyon sa SMNI ‘di isyu sa press freedom – Castro

MANILA, Philippines – Matapos ipag-utos ang 30-day suspension sa Sonshine Media Network International (SMNI) ng National Telecommunications Commission (NTC), iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na ang aksyong ito ay hindi pag-atake sa press freedom.

“As it stands now the SMNI issue is shaping out not to be a press freedom issue as its hosts and ‘talents’ want to project,” saad sa pahayag ng mambabatas.

Nitong Huwebes ay sinuspinde ng NTC ang operasyon ng SMNI dahil sa umano’y paglabag sa prangkisa nito.

Ito ay makalipas ang halos dalawang linggo nang i-cite for contempt ng Kamara sina SMNI hosts Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz dahil sa pagtangging sumagot sa mga tanong sa pagdinig.

Tumanggi kasing sumagot si Celiz kung sino ang source niya sa pahayag na gumagastos umano si Speaker Martin Romualdez ng ₱1.8 billion sa kanyang foreign travels sa loob ng isang taon, habang si Badoy naman ay nagbibigay ng paiba-ibang sagot sa kanyang tungkulin sa SMNI.

Kasunod nito, sinabi ni Castro na ang SMNI mismo ang banta sa press freedom sa adbokasiya nitong “violence, disinformation (fake news), and intolerance (hate speech).”

“Hindi ito tulad sa kaso ng ABS-CBN na sinadyang pinasara ng mga Duterte dahil sa pagbatikos sa kanila,” ani Castro. RNT/JGC

Previous articleEEZ rights igigiit sa WPS ‘paradigm shift’ – Teodoro
Next articleTricycle operator tiklo sa P47.6M shabu sa Zamboanga